August 29th, 2009 by paraluman-2nay
May mga bagay-bagay na aking tiniis. Pinaniwala sa sarili na di lahat pwede akuin.
Ngunit nabubuhayan ako ng loob sa tuwing inaalala ang mga lumipas, na noon isa akong pambihirang nilalang na may angking talento sa paggalaw, na kayang lumipad,lumipat ng dimensyon, kumawala sa pagkahimbing at mulatin ang kamalayan.
Ngunit may naitulong ba sa akin ang naging sakripisyo ko?
Marahil, meron, nabalanse ko ang pagiging normal at komplikado. Ngunit, saan ako pupulutin ngayon?
Hindi ko alam kung sakaling pagbalik ko sa pagka-komplikado, matatanggap pa rin ako ng mga taong pinaniwala kong ako’y normal.
Hindi ko alam kung bakit ako’y nababahala. Dati naman noong ako’y malayang kumikilos ng aking nais, walang malay kong iniisip ang sasabihin ng iba.
Dahil ako ay nagbago, apektado ako ng kinalabasan nito.
Posted in im a rose in a stormy sea | No Comments »
September 13th, 2008 by paraluman-2nay
Call me compassion. That is my other name. I have forgotten to feel after two years of no moving… I felt guilt inside that i focused on something of less importance… should i say this… it is hard to enumerate all that i have experienced but much better to enumerate those that i am experiencing to bring myself back to what i really am… For starters, i bought several books, a box of crayola and several dvds. (to be continued)
Posted in Uncategorized | No Comments »
September 6th, 2008 by paraluman-2nay
I think i am still more of an artist than a mathematician. Gosh, although i take pleasure in computing and writing equations, there is a different feeling of fulfilment when it comes to reading epic stories. I went to national bookstore - DLSU taft to buy new school supplies, found out that there is a sale of books just in front. I took a long time digging up books that would heighten my interest. Then, viola! Italian writer, Ovid with his book The Serpent’s Teeth and Roman writer, Tacitus with his book The Madness of Nero caugth my attention. Obviously, i purchased it and went home. Started my take home work and shall start reading first Ovid.
I also saw Nancy Drew… i remember those old days… i miss too hardy boys, the boxcard children, sweet valley kids, twin, high and even the choose your own adventure books.. such wonderful times of being a bookworm… compare this to my favorite bday gifts - two scientific calculators and two electronic dictionaries (which one piece i lost during a concert).
Posted in Uncategorized | No Comments »
August 15th, 2008 by paraluman-2nay
I just had mcdo brewed coffee with my MFE classmates. Astig. It’s friday and we had nothing to do but drink coffee. it’s a rainy friday… nextweek friday is fincalculus finals and i am not sure if il start studying… gosh, can i just enjoy the beauty of life… well, i guess i am starting to enjoy life by all these numbers and special characters… hehehe
i appreciate when my two prof call me by my complete name, they can pronounce it correctly… as if they aren’t from the Phils.
how come i cannot sleep… oo nga pla, i had coffee. ahehehe
im trying to put thoughts in my mind… i want to write something but im completely blank… hay
Posted in Uncategorized | No Comments »
July 13th, 2008 by paraluman-2nay
Grabe, ang daming dapat gawin… ang daming dapat tapusin. Saan ako magsisimula at paano ko tatapusin… Paano?
Posted in Uncategorized | 1 Comment »
July 5th, 2008 by paraluman-2nay
Galing akong pasig-ortigas para bumili ng whitening cream sa isang sosyal na derma clinic. At sa aking pag-uwi, lulan ng MRT-LRT ako’y nakapagmuni-muni at naalala ang mukha ni assunta. napakagandang mukha na kahit pala matanda na ako at tapos na sa kolehiyo, diko pa din makalimutan ang mukha niya. Marahil sa mga nakakabasa nito, magtataka at maiisip na yung artistang boldstar ang tinutuko ko, mali po kau. cguro ang tanging makakakilala nito ay yung mga kaklase ko nung elementary.
nasaan na kaya cya ngaun?… kelangan ko pa bang alamin? cguro, hayaan ko nang maging misteryo iyon. Salamat sa alaala, nabubuhay ang mga taong naging inspirasyon kong mabuhay…
Posted in Uncategorized | No Comments »
May 10th, 2008 by paraluman-2nay
Ilang buwan at taon na nga ba ang nakalipas nang inisip ko ang aking mga nararamdaman. Ang tagal ko ng di nakakapagsulat. Pinalipas ko na din ang pagkakataong ubusin ang pluma ng koleksyon kong mga ballpen. Ngunit bigo ako, sa aking ninais sapagkat pinamimigay ko na ang bawat isa nito sa taong aking nakakatagpo at di na binabawi.
Oo, wlang bawian. Patuloy kong kinukumbinse ang aking sarili.
Ngaun ako’y nabubuhay ng di nakakapagsulat. Pero dahil sa akin itong kinagisnan, babalik at ibabalik ko pa din ang paraan para ako’y mabuhayan ng loob.
Magara kong matatawag ang aking sarili, dahil sa panahong ito buhay ang aking mga pangarap. Patuloy kong pinananatili ang estadong ito, mahirap pero masarap sa pakiramdam.
Ngunit sa mga panahong ako’y nananahimik… alam kong may kulang.
Posted in Uncategorized | No Comments »
October 17th, 2007 by paraluman-2nay
Isang araw namulat na lamang ako na gusto ko nang simulang tuparin ang aking mga pangarap. Diko inalintana ang hirap at mga pwedeng maisakripisyo pagginawa ko iyon. Ang naramdaman ko lang nang panahong iyon ay pagkainip…
Nagsimula ako nang binitawan ko isa-isa ang mga dalahin kong nagpapabigat at nagpapahirap sa aking paglalakbay. Sa mga daan ko iniiwan, diko binigla dahil alam ko na mahihirapan lang ako pagginawa ko rin yun.
Nandito na ako, nakausad na ng konti sa paglalakbay. Oo, nagtatrabaho na ako sa gusto kong institusyon. Yun nga lang di siya ang employer ko, isa akong outsource. Ano naman ang masama sa pagpapakumbaba? Yun nga lang, minsan, masakit, ramdam ko ang diskriminasyon. Pakiramdam ko mababa talaga ako. Pero kahit ganito, taas noo ako na gumawa, pinagmamalaki ko sa aking sarili na kakayanin ko ang mga pagsubok na ito.
Musta na kaya ang mga dati kong mga kaibigan? Dati, di man lamang ako nagtitimpla ang aking kape, o di kaya maghugas ng plato. Pero nagagwa ko na ito sa aking pangarap na institusyon… cya pa pa mismo ang nagpapahirap sa akin… pero alam ko na tiyaga at taimtim na pagdadasal— sulit din at makakapasok ako.
pagod ako ngayong gabi, iniisip ko kung bakit pero parang walang sagot ang pumapasok sa akin. Ang alam ko lang, nagtrabaho ako buong magdamag at kung gusto ko ng umuwi, magagawa ko dahil ako na buhat ngayon ang nagpapasya at hindi na ang kumpanya na kinabibilangan ko.
marami pang gustong sabihin… marami pang gustong isigaw… pero gusto ko din kahit papaanong manahimik…
inaantok na ako
Posted in Uncategorized | No Comments »
September 19th, 2007 by paraluman-2nay
I have been seeking such an opportunity as this one and I think your requirements and my background may be a good match…
wow, it seem so right… this is wat i have written in my BSP’s cover letter application. I hope… i am fervently praying for goodluck and blessings from God.
i am trying not to loose my mind. i made several sacrifices… it is very difficult. but i know the course of life would never be easy… there is always Glory in the end part. so i keep my faith alive.
As I enter every room of the different dept. of Bangko Sentral, there is always this positive energy that I maintain. Hoping that as I go out of their office, I will have positive results. I encountered rejections but it never stop me from this dream.
I just keep my Faith. Success to those who dream and work hard to achieve their Dream. I love you Lord.
Posted in Uncategorized | No Comments »
August 11th, 2007 by paraluman-2nay
kakaiba itong pakiramdam ko, tama nga si sir alfred sa nasabi niya sa akin, never look back. i will look forward of what i will become. parang pakiramdam ko aatakihin ako sa sama ng loob sa aking mga pinag-iisip. may mga regrets na nangyari pero alam ko naman na mawawala din sa akin ito, pero ito lang tlga, bkit ang tagal…
mainit nnaman ang ulo ko at eto tinatarayan ang mga tao. sana mawala na sa akin itong pangit na ugaling ito. siguro nga ang mga babae, pagmalapit ng magkaroon punong-puno ng emosyon at eto di nagpapapigil.
bukas last day ko na sa work. parang nakahinga ako. diko alam kung paano ang klase ng pagpapaalam ang gagawin ko. bukas din ng gabi dadating si marc. ayun, ang daming mangyayari, ang dalawa ay masasabi kong magkasalungat sa pagkat, isang mamamaalam at isang magtatagpo.
Posted in im a rose in a stormy sea | No Comments »